Alipin ng Kahirapan
Alipin ng Kahirapan
Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Nuon paman ay hadlang na ito sa mga pangarap ng marami. Pagdating sa edukasyon, trabaho, tirahan, pagkain at pang araw-araw na pangangailangan. Hanggang sa kasulukuyan ay patuloy paring naghihirap ang maraming mamamayan sa Pilipinas. Ito ay isa rin sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Ang mga taong nakakaranas ng kahirapan ay paminsan umaasa na lamang sa gobyerno dahil sila ay nawawalan na ng pag asa at inaasahan nila na magagawan ng solusyon ang kanilang kinakalagayan. Ngunit ang inaasahan nilang tulong ay paminsan nagiging sanhi ng korupsyon at nag reresulta sa pagkabigo ng pamahalaan. At ang iba naman ay hinahayaan nalang na kainin sila ng kahirapan dahil nawawalan na sila ng pag-asa. Kadalasan natin itong tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga sitwasyon na hinaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga kabataan.
Sabi nila, and kabataan ay ang pag-asa ng bayan dahil may matutunan pa sila. Sapagkat ang kabataan naman ay nawawalan ng pag-asa dahil sa kakulangan ng edukasyon na sanhi ng kahirapan. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap na sapat na kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya. Ang iba ay nagtatrabaho na lamamg upang maikayod ang gumagapang na pamilya. Ayon kay Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez sa GMA News, napipilitan ang kanilang mga anak kahit bata pa na gampanan ang
responsibilidad ng mga nakatatanda. Bukod dito, idinagdag ng obispo na mayroon ding pagkakataon na kapos ang
kita ng mga magulang kaya tumutulong na rin ang mga anak gaya ng
pagsama sa mga pangisdaan taniman, o iba pang mga gawain. Isa ring sanhi ay ang kawalan ng trabaho. Ukol sa ating ekonomiya at sa overpopyulasyon, hindi na sapat ang bilang
ng trabaho sa dami ng mga nagtatapos. Dahil dito wala silang
pagkakakitaan upang masuportahan ang kanilang mga pamilya sa pang
araw-araw na pangagailangan. Ito ay nagdudulot ng maraming kasawian kagaya lamang ng kagutuman at hindi payak na kalusugan. Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing
pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang
malnutrisyon ay ang pinaka-karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng
kahirapan, ito ay dahil sila ay may kakulangan sa wasto at masustansyang
pagkain. Mahigit kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag pilipino
na nagsasabi at itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. At patuloy itong naghihirap dahil hindi nila binago ang pag-iisip nila para lumago.
Kung ating susuriin ay nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang tayo ay magtagumpay dahil kung atin lamang gugustuhin ay maraming paraan upang tayo ay makaahon sa kahirapan. Unang una ay dapat itakda natin sa ating utak at puso ang pagbabago at pagtatagumpay. Kapag kasawian nalang parati ang inaatopag mo ay patuloy kang maghihirap. Dapat rin nating bigyang pansin ang mga kabataan na ang tanging pag-asa ng bayan. Sa pagbigay ng wasto at sapat na edukasyon upang magkaroon sila ng kaalaman. Sa tama at sapat na kaalaman ay maaring maiahon ang kanilang pamilya at ang ating bayan sa paraan ng paghanap ng maayos na trabaho.
Hindi madali ang pagkamit ng pagbabago at kailangan ng matinding paghahaanda sa ngan ng edukasyon. Nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng tiyaga at magpursigi sa lahat ng ginagawa at mga oportunidad. Dapat rin nating unahan ang paghahanap ng maayos na trabaho at sapat na kita bago ang ibang bagay para makuha natin ang ating pangangailangan. Sa ganitong paraan ay maaaring mabawasan ang naghihirap na Pilipino. At ito and daan sa magandang kinabukasan sa mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan. Dito natin makamit ang tagumpay at magandang bansa.
Barete,Princess Erika Z.
9 - St. Augustine
Comments
Post a Comment