Posts

Showing posts from March, 2020

Alipin ng Kahirapan

Image
Alipin ng Kahirapan       Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Nuon paman ay hadlang na ito sa mga pangarap ng marami. Pagdating sa edukasyon, trabaho, tirahan, pagkain at pang araw-araw na pangangailangan. Hanggang sa kasulukuyan ay patuloy paring naghihirap ang maraming mamamayan sa Pilipinas. Ito ay isa rin sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Ang mga taong nakakaranas ng kahirapan ay paminsan umaasa na lamang sa gobyerno dahil sila ay nawawalan na ng pag asa at inaasahan nila na magagawan ng solusyon ang kanilang kinakalagayan. Ngunit ang inaasahan nilang tulong ay paminsan nagiging sanhi ng korupsyon at nag reresulta sa pagkabigo ng pamahalaan. At ang iba naman ay hinahayaan nalang na kainin sila ng kahirapan dahil nawawalan na sila ng pag-asa. Kadalasan natin itong tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga sitwasyon na hinaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga kab